Artikulo – Social Media Imagery 1
A.I Generated Images
Ano ang A.I Generated Images?
A.I Generated Images ay mga larawang nilikha ng artificial intelligence. Ang mga larawang ito ay hindi nagmula sa camera o likha ng tao sa halip ito ay produkto ng isang computer program.
Marami ang namamangha dahil sa kakayahan nitong makagawa ng makatotohanang larawan sa loob lamang ng ilang minuto. Gayunpaman, habang ang artificial intelligence ay nagbubukas ng isang mundo ng computer images, ito rin ay lumikha ng mga bagong hamon sa ating lipunan tulad ng maling impormasyon.
Paano ba natin malalaman na ang isang larawan ay nilikha ng artificial intelligence?
Kamay: Isang hamon sa A.I
Ang hindi pare-parehong mga hugis, haba at pagkakaiba-iba ng istruktura nito ay isang malaking hamon para sa mga A.I image generators. Bagama’t maaari itong makabuo ng simpleng larawan tulad ng isang kamay, hirap itong bigyang kahulugan ang mga banayad na kilos, kumplikadong paghawak, at interlaced na kamay at daliri ng tao.
Texts: Hindi maintindihan o walang saysay
Hindi nauunawaan ng A.I. ang kahulugan ng anumang nakasulat sa nilikhang larawan nito. Sinusuri ng image generator ang milyun-milyong mga larawan sa internet upang likhain ang mga imahe na gusto mong gayahin at ipagawa. Subalit sa text, kailangan ito ng isang tiyak na pattern, paraan at pagkakasunod-sunod, dahil kahit na ang mga maliliit na pagkakamali ay magiging kapansin-pansin sa kabuuan ng larawan.
Portraits: Masyadong perpekto para maging totoo
Ang mga larawan ng tao na gawa ng A.I ay kadalasang makintab, waxy, o cartoonish. Ang mga programmer ng image generator ay ginagamit ang mga larawan ng mga sikat na modelo o mga retokeng larawan sa internet. Ito ang dahilan kung bakit ang mga generated images ay kadalasang labis ang pagkakinis ng balat at walang natural na skin pores at kulubot na mayroon ang isang tunay na tao.
Hindi makatotohanan: Imposibleng mga senaryo
Madalas ang mga likha ng A.I ay mayroong maliliit na depekto na mapapansin lamang kapag ito ay tinignan ng malapitan. Mayron bang hindi tugmang kulay sa mga mata? Mayron bang maling hugis, maling proporsiyon o ibang bagay na hindi dapat nasa larawan? May katuturan ba ang mga bagay sa visual na konteksto nito? Sa pamamagitan sa pagsagot sa mga katanungan nito ay madali mong matutukoy na ang larawan ay likha ng A.I
Magbasa pa:
https://www.sciencefocus.com/future-technology/why-ai-generated-hands-are-the-stuff-of-nightmares-explained-by-a-scientist
https://arxiv.org/abs/2406.08651
https://medium.com/@brittanynpotter/spotting-ai-generated-images-tell-tale-signs-and-skill-testing-photo-examples-f31c9655f418
https://www.linkedin.com/pulse/rise-ai-generated-images-fake-news-how-spot-them-nunudzai-mrewa-ohm9f