Artikulo – Social Media Imagery 2
Photo Manipulation
Ano ang photo manipulation?
Ang photo manipulation ay ang pagbabago ng isang litrato gamit ang photo editing software. Ito ay maaaring kasing simple ng pagsasaayos ng mga kulay o kasing kumplikado ng pagdaragdag at pag-alis ng maraming elemento sa larawan. Halos lahat ay mayroong access sa teknolohiyang ito sa pamamagitan ng personal computer o cellphone at maraming larawan sa internet ngayon ay ginamitan ng photo manipulation.
Ngunit marami sa ating kababayan ang nagpapakalat ng mga manipuladong larawan upang makakuha ng atensyon at lituhin ang mga mamamayan. Ang mga mapanlinlang na larawan ay maaaring maging mahirap tukuyin. Mahalagang ating suriin ang mga larawang makikita sa internet gamit ang mga sumusunod na paraan.
Warping: Suriin kung may distortion
Maraming tao ang gumagamit ng photo editing software upang baguhin ang pisikal na anyo ng mga indibidwal para i-post sa social media. Maaari nilang gawing mas maliit ang baywang, magdagdag ng mga kalamnan, pahabain ang mga braso at paa, o palakihin ang dibdib. Ito ay kadalasang nagbibigay sa larawan ng hindi natural na “baluktot” o “bingkong” na hitsura. Ito rin ay nagdudulot ng distortion effect sa buong larawan.
Sukat: Labis na liit o laki
Ang mga elemento sa manipuladong larawan ay kadalasang pinalalaki upang makaakit ng atensyon sa social media. Karaniwang mayroong ito pagbabago sa laki ng mga bagay o paksa upang madaling makita. Dapat natin suriin ang kabuuan ng larawan at kakaibang katangian o mga bagay na hindi dapat nakapaloob sa larawan.
Bakas: Mga tinanggal o idinagdag na bagay
Nangyayari ito kapag inalis ang isang bagay sa isang larawan. Kabilang dito ang mga nawawalang bahagi ng katawan, hindi tugmang anino, o reflection na hindi umaayon sa kabuuang larawan. Ang mga pagkakamali sa pag-edit ay maaari ring mangyari kapag may idinagdag sa larawan, at may mga bagay na hindi dapat maging bahagi nito, iba ang background o iba ang lightning conditions. Ang mga larawang ito ay maaaring sumailalim sa mga proseso ng pag-zoom, pag-crop, pag-ikot, at pag-uunat ng isang larawan upang magkasya sa ibang larawan.
Kalidad: Mga digital distortion
Nangyayari ang digital distortion dahil sa hindi perpektong pagkulay at maling paggamit ng mga effects. Ang mga bagay tulad ng blurriness, jagged edges, pixelation, o hindi natural na kulay sa iisang larawan ay maaaring palantandaan ng pagmamanipula nito.
Magbasa pa:
https://arxiv.org/abs/1407.6879
https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/1051144X.2021.1902041
https://www.researchgate.net/publication/352736685_Exposing_Manipulated_Photos_and_Videos_in_Digital_Forensics_Analysis
https://www.makeuseof.com/ways-to-easily-identify-manipulated-images/
https://www.influencerintelligence.com/blog/Tr0/5-signs-of-image-manipulation
https://dl.acm.org/doi/abs/10.1145/2487228.2487236
https://dl.acm.org/doi/10.1145/2077341.2077345