TUNGKOL SA AMIN

TUNGKOL SA AMIN

Ano ang Aninaw?

Ang kahulugan ng Aninaw ay ang pagtingin ng mabuti sa isang bagay, ito din ay nangangahulugang transparency sa ingles. Ito ang pangalan ng website na nilikha ng mga mag-aaral ng Multimedia Arts mula sa De La- Salle College of Saint Benilde. Ito ay nagbibigay kaalaman upang maging mapanuri ang publiko tungkol sa mapanlinlang na impormasyon online.

Bagama’t totoo na ang internet ay nagbibigay ng maraming kaalaman, ito din ang isa sa pinagmumulan ng maraming maling impormasyon.

Marami sa atin ang hirap matukoy ang totoo at gawa-gawang impormasyon sa internet. Ngunit, maging ito ay isang unsafe website, fabricated news article, o phishing email, lahat ito ay mayroong mga palatandaan na maaari mong makita upang matukoy ang totoong impormasyon. Aming ipapaliwanag at ipapakita gamit ang ilang artikulo at video upang matukoy ang kredibilidad nito.

Ang Aming Misyon

Hangad naming turuan ang mga matatanda na gumagamit ng internet kung paano matukoy ang mali at mapanlinlang na impormasyon sa tunay sa pamamagitan ng disenyo o biswal na katangian nito. 

Sinisikap naming tulungan ang mga internet users na magkaroon ng malawak na pang-unawa upang ma-verify ang pinagmulan ng mga impormasyon sa internet. 

Sa pamamagitan ng pagbunyag sa magulo at masalimuot na mundo ng internet na ang tanging hangad ay linlangin o lituhin ang publiko, nais naming bigyan ang maraming matanda at inosenteng mamamayan na matukoy ang ligtas at tamang paraan upang alamin ang tamang impormasyon.

KILALANIN NIYO KAMI!

Sophia Nichole G. Miranda

Video Editor, Designer and Writer

Safra Vanessa A. Paje

Web Developer, Video Editor, Artist and Writer

Shane Ernst A. Soon

Web Designer, Video Editor, Designer and Writer

Clarissa Marie G. Torres

Video Editor, Designer and Writer